Complex Disorders Of Adult Life Vol. III

by Dystocia Curve

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $7 USD  or more

     

1.
05:14
2.
05:02
3.
05:30
4.
04:18
5.
03:17
6.
7.
02:23
8.
9.
10.
03:23
11.
04:15
12.
10:21

credits

released February 14, 2011

Written and performed by Dystocia Curve.
Recorded at Sound Creation, Pink Noise, Tracks, & Bilistudio.
Mixed and mastered at Tracks Studio.

tags

tags: rock Manila

license

all rights reserved

about

Dystocia Curve Manila, Philippines

“Manila, Manila/simply no place like Manila.” —Hotdogs. For Filipinos, the song “Manila” was a “love song,” an ode not only to a city, but to a whole country. As a person who has lived in Manila all his life, Bong Banal admits that his great love for Manila is now deeply challenged by what he thinks is a deterioration in its quality of life. His band’s album, “Metro Love,” tries to explore this. ... more

contact / help

Contact Dystocia Curve

Streaming and
Download help

Track Name: Sana Kayo
ikakasal ka na
kami natutuwa
kami natutuwa kasi ikakasal ka na

pasasakal na ba?
doon sa may edsa?
pasasakal na ba kayo doon sa may ed

SANA KAYO NG IYONG ASAWA'Y MASAYA
LAGING MAGKASAMA
SANA KAYO NG IYONG ASAWA'Y MASAYA
LAGING MAGKASAMA

ngayong kasal ka na
ngayon mag-umpisa
ngayon mag-umpisa kasi kundi kailan pa ba?

mahalin ang asawa
huwag kang magsasawa
huwag kang magsasawa kung love mo lang ay ii

SANA KAYO NG IYONG ASAWA'Y MASAYA
LAGING MAGKASAMA
SANA KAYO NG IYONG ASAWA'Y MASAYA
LAGING MAGKASAMA

LAGING MAGKASAMA
HINDI LANG SA KAMA
HINDI LANG SA SAYA
KUNDI PATI SA LUHA

LAGING MAGKARAMAY
LAGING HAWAK-KAMAY
LAGING MAGKASABAY
KAKAMBAL MO SA BUHAY

LAGING MAGKASAMA
HINDI LANG SA KAMA
KAHIT MAY PROBLEMA
KAHIT KAPOS SA PERA

LAGING MAGKARAMAY
LAGING MAGKASABAY
LAGING HAWAK-KAMAY
KAIBIGAN MO SA BUHAY
Track Name: Haliparot
haliparot
kahit ngayon lang nakilala
daig pa natin ang mag-siyota sa saya

inaabot
ng umaga sa kakatawa
hindi tal'ga inaakalang trip mo 'yun

kakakaiba
pumayag lang nang ang kamay mo binaba
sa may hita nung dancer na
naliligo sa'ting harap, hubo't-hubad!

ISANG HAPLOS
ISANG KUSKOS
ISANG NGITI MO LANG, TAYO NAGKAAYOS

ILANG KUROT
ILANG SUNDOT
KUNG S'AN SAAN ATING BUNTOT, NAPASUOT

haliparot
nagbabasaan sa pattaya
pag natuyo ba sa manila, mag-iiba?

mag-aabot
o 'di kaya mawawala?
maglalahong parang bula lahat ng 'to?

ba't nag-iba?
ngayong gabi, nung nagtabi, hindi ka na
kasing-saya, kasing ganda
tumawag ba ang boyfriend mo sa maynila?

KE MABASTOS
PA NG 'YONG BOSS
MAG-A-APPLY PA RIN AKO, ANONG UTOS?

MASUSULOT
MAHUHULOG
KA RIN SA'KIN HUWAG LANG MALUNOD SA TAKOT

HALIPAROT.

nagising na
give up na'ko sa love kasi tanghali na
nagbabay na, sumakay na
sa shuttle ng hotel ako hihilata

KAHIT BASTOS
KAHIT LAOS
KAHIT KAPOS AY TATAPUSIN NA ITO

ITONG LUNGKOT
'DI MASUNDOT
KAYA MUNTING HILING KO RIN MAUUDLOT
HALIPAROT.
Track Name: Piatot
o kapatid
ba't napatid?
ang buhay natin na tahimik
sinira ba ng galit?

alam mo ba?
miss na kita?
'yo bang nakikita, ikaw sa'kin iba?
ako ang 'yong kuya at ikaw naman aming

PIAAAAA
OOWAH OOWAH OOWAAAAAH
OOWAH OOWAH OOWAH

malayo man
ako diyan sa lukban
sana umabot 'to, diyan sa iyong radyo
umabot sa iyong puso

o piatot
huwag matakot
nandito lang ako, magtatanggol sa'yo
naghahabol doon sa boyfriend mo, sa boyfriend mong

GAGOOOOO
OOWOH OOWOH OOWOOOOOH
OOWOH OOWOH OOWOH

gusto kitang patawarin
gusto kitang patawanin
gusto kita na hanapin
gusto kita na yakapin

gustong ikaw ay tulungan
itakas ka sa kulungan
ang takot mo pakawalan
ang lungkot mo

PABAYAAAAAN
OOWAH OOWAH OOWAAAAAH
OOWAH OOWAH OOWAH.
Track Name: Sa Awit
tatlong taon na rin sigurong pinipilit
kantang ito pilit pa rin na inaawit
inuubos ang pera ko sa kauulit
asawa ko at kaibigan kinukulit

SA AWIT
SA AWIT
NAAKIT NASABIT NAPUNIT
SA AWIT

ilang taon na rin ako na gumuguhit
kapalaran may paraan pa bang maukit?
mga mali, mga problema na nabanggit
huwag nang isipin, may sago na madadagit

SA AWIT
SA AWIT
SA LANGIT
NG AWIT

ngayong mundo ko ay sarado, naiipit
parang ang pusod ko, hindi ko pa magupit
gustong magpaalam sa amo kong malupit
pero takot baka bigla na lang mahagupit

SA GALIT
SA GALIT
SA GALIT
NG AWIT
Track Name: Kung Saan
meron young black
meron young brown
meron ding pink young type mong gown

meron doon
meron ngayon
'kaw lang mag-drive, malayo 'yun

kung saan
kung san maiiwan
nakaraan
ba't 'di iyon ang 'yong sundan?

meron sa 8
meron sa 9
meron ding 10 sa calvin klein

meron sa stall
meron sa mall
tara na please sa megamall

kung saan
kung saan ba gagaan
ang 'yong pasan
ba't 'di iyon ang 'yong sundan?

UMIKOT NA, KE MAHILO
KUNG DIYAN DIN LAMANG GAGAAN ANG IYONG ULO
IPASYAL NA IYONG PUSO

PUMILI NA, MAGPATUKSO
BIBILHIN NATIN ANG LAHAT NG IYONG GUSTO
BUMALIK LANG IYONG PULSO

puwedeng i-cash
puwedeng i-card
puwedeng i-loan, mayrong reward

puwedeng i-wrap
puwedeng i-bag
basta huwag lang ibalibag

kung saan
kung saan maiibsan
ang hinayang
ba't 'di iyon ang 'yong sundan?

TUMAWAD NA, HANGGANG GUSTO
PATAWARIN MO RIN SANA SARILI MO
KAHIT HINDI ITO USO

GAMITIN NA, KAHIT BIGO
HUWAG LANG ITAGO SA IYONG KUWARTO, PUSO
IKALAT SA BUONG MUNDO
Track Name: Dany Ang School
pag-gising ko, umiiyak ka na
mga pisngi, bagsak hanggang paa

ang sabi mo, ayaw mo na'ng mag-school
kasi miss mo ang daddy mo na cool

kapag nagiging sad ka na
isipin mo lang na
lahat ng classmates mo sa school
are scared rin just like you

kapag nagiging sad ka na
isipin mo lang na
lahat ng classmates mo sa school
are scared rin just like you

ang sabi ko "dany, basta mag-pray"
lahat ng takot mo will go away
"but tito bong, i prayed na yesterday
yet i'm still scared to go to school today"

kapag nagiging sad ka na
isipin mo lang na
lahat ng teachers mo sa school
are bored rin just like you

kapag nagiging sad ka na
isipin mo lang na
lahat ng teachers mo sa school
are bored and scared, are bored and scared

DANY ANG SCHOOL, PLAY RIN 'YUN
DANY ANG SCHOOL, PLAY RIN 'YUN
DANY ANG SCHOOL
DANY ANG SCHOOL, PLAY RIN 'YUN

DANY ANG SCHOOL, PLAY RIN 'YUN
DANY ANG SCHOOL, PLAY RIN 'YUN
DANY ANG SCHOOL
DANY IT'S COOL, PLAY RIN 'YUN

OH OOWOH OOWOH
OH OOWOH OOWOH OOWOH
OH OOWOH OOWOH OOWOH OOWOH
Track Name: Tetano
na naman
na naman
tinamaan na naman ang puso ko
o baka naman ang ego lang sa'yo?

puwede bang
puwede bang
dumaan kahit man lang 'sang minuto?
may itatanong lamang ulit ako

KUNG PUWEDE LANG MAKUHA ANG SURNAME MO
ITATAYA KO LANG ITO SA LOTTO
KUNG PUWEDE LANG MALAMAN ANG ZODIAC MO
IKOKONSULTA LANG ITO SA DIYARYO

na naman
na naman
pinaasa na naman ang puso ko
'di naman pala ito para sa'yo

puwede bang
puwede bang
dumaan na lang iwanan na ako?
mayron pa kasing naiwang trabaho

KUNG PUWEDE LANG IWASAN ANG TETANO
HINDI NA SANA NAG-BETERINARYO
KUNG PUWEDE LANG MAKONTRA GAYUMA MO
HINDI NA SANA NAGPA-ALBULARYO
Track Name: Gawin Mo Pa Rin
minsan tao makasarili at magulo
napakahirap maintindihan
'pag ginawan mo ng mabuti, magdududa
baka ikaw pa'ng mapagbintangan

E 'DI GAWIN MO PA RIN
MAGING MABUTI PA RIN
'DI MAHALIN MO PA RIN
ITO ANG TURO SA'KIN

kung sa asenso mo dumami ang kaaway
mga kaibigan na hindi tunay
kung ang kagandahang inalay mo sa buhay
ay pina-pangit sa isang dighay

E 'DI GAWIN MO PA RIN
MAGING MASIPAG PA RIN
'DI GANDAHAN MO PA RIN
IKAW NAGTURO SA'KIN

kapag ikaw naging tapat at totoo
mas madali ka lang masasaktan
kapag ang kapwa mo na 'yong tinulungan
ay 'kaw pa ang bigalang binuweltahan

E 'DI GAWIN MO PA RIN
MAGING MABUTI PA RIN
IYONG TULUNGAN PA RIN
O PAGTULUNGAN NATIN

'pag binigay mo ang lahat sa ating mundo
ikaw naman ang mauubusan
baka kainin kang buhay at igapos
iiwan kang patay sa may daan

E 'DI GAWIN MO PA RIN
MAGING MABUTI PA RIN
'DI MAHALIN MO PA RIN
HANGGANG MAUBOS IPIN
Track Name: Ang Iyong Pasan
inagos ba lahat ng 'yong appliance?
lahat ng 'yong appliance, inagos ng baha?

inubos ba, pati iyong sampayang
wala namang insurance, kaya lumuluha!

may sale ngayon sa abenson's
may sale ngayon doon

HINDI KO ALAM ANONG PAKIRAMDAM
PERO SUSUBUKAN KO NA MAPAGAAN
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
SANA MAPAGAAN

inayos ba ng 'yong mga kaibigan
nasira mong tahanan, inayos ba nila?

tinapos ba ng 'yong mga kaibigan
iyo bang naibigan ang ginawa nila?

bukas na raw ang robinson's
bukas pa raw ang sale doon

HINDI KO ALAM ANONG DINAANAN
PERO MAGKUWENTO LANG NANG MAINTINDIHAN
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
SANA MAPAGAAN

ginastos ba nila sa'yong kailangan?
sa'yong pangangailangan, bigay naming pera?

inubos lang at pinagkakitaan?
imbes na ipautang, inubos lang nila!

tinago raw sa city hall
binago sa barangay hall

HINDI MO NAMAN KA-CLOSE NA KAIBIGAN
PERO TUTULUNGAN KITANG IPAGLABAN
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
ANG IYONG PASAN!
ATING IPAGLABAN

bumuhos ba muli sa'yong tirahan
d'un sa dalampasigan, ulan bumuhos ba?

inutos bang lumipat sa simbahan?
ilipat ang buong bayan? inutos ba kanina?

ligtas na raw tayo ngayon
kasi nagbago raw ng direksyon

HINDI KO ALAM KUNG DIYOS NAKIALAM
PERO PAKIRAMDAM, DASAL PINAKINGGAN
NANG IYONG PASAN!
NANG IYONG PASAN!
NANG IYONG PASAN!
KAHIT P'ANO AY GUMAAN

NANG MALAMPASAN!
NANG MALAMPASAN!
NANG MALAMPASAN!
MO ANG KAMALASAN.