Metro Love

by Dystocia Curve

supported by
/
  • Compact Disc (CD) + Digital Album

    Compact Disc (CD)
    Jewel case w/ 6-panel inlay.
    Original artwork by Bong Banal

    Includes unlimited streaming of Metro Love via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    ships out within 3 days

      $7 USD or more 

     

  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $7 USD  or more

     

1.
2.
3.
04:00
4.
05:21
5.
02:21
6.
05:03
7.
03:14
8.
04:00
9.
10.
11.
12.
04:15
13.

credits

released August 21, 2014

Written and performed by Dystocia Curve.
Mixed and mastered at Blaster Studios.

tags

license

all rights reserved

about

Dystocia Curve Manila, Philippines

“Manila, Manila/simply no place like Manila.” —Hotdogs. For Filipinos, the song “Manila” was a “love song,” an ode not only to a city, but to a whole country. As a person who has lived in Manila all his life, Bong Banal admits that his great love for Manila is now deeply challenged by what he thinks is a deterioration in its quality of life. His band’s album, “Metro Love,” tries to explore this. ... more

contact / help

Contact Dystocia Curve

Streaming and
Download help

Track Name: Kapag May Traffic
kapag may traffic
iniisip kong lumayo na sa'yo
gusto nang mauna imbes na sakuna
abutin sa'yo!

kapag sumabit
iniisip kong lumayo na rito
gusto nang mauna imbes na 'pakuha
lisensya sa'yo!

WOOOOOH!
WOOOOOH!

kapag tumirik
iniisip kong lumayo na sa'yo
takot na patulak takot mapahamak
pangarap sa'yo!

kapag ikaw topic
iniisip kong lumayo na rito
takot na mahila at ipaalila
ang pusong ito!

WOOOOOH!
WOOOOOH!
Track Name: Ayokong Mapansin Mo Ako
ayokong mapansin mo ako
ayokong mapansin mo ngayon

HINDI AKO ANG TUNAY MONG KAIBIGAN!
HINDI AKO ANG TUNAY MONG KAIBIGAN!

ayokong mapansin ko kayo
ayokong mapansin ko ngayon

IKAW AT YUNG KASAMA MONG KAIBIGAN!
IKAW AT YUNG KASAMA MONG KAIBIGAN!
IKAW AT YUNG KAIBIGAN MONG NAIBIGAN!
IKAW AT YUNG KAIBIGAN MONG NAIBIGAN!
Track Name: Jailbreak
kailan kaya ako makakasulat ng tono
makakasulat ng todo nang 'di naiistorbo?
kailan kaya ako makakatakas sa mundo
makakaiwas ng tondo nang 'di naabuso?

woooh!
woooh!
woooh!
woooh!

kailan kaya tayo makaka-malling ng husto
makaka-shopping ng gusto nang 'di hirap mag-park?
kailan kaya tayo makakapaglakad ng solo
nang walang ahente na nanggugulo sa park?

woooh!
woooh!
woooh!
woooh!

'WAG KA NANG MATAKOT
NANDITO LANG AKO!
UMASA KANG AABOT
MAGHIHINTAY SA'YO!

kailan kaya ako makaka-suweldo ng husto
at mapupuri ng boss ko nang 'di pinagagalitan?
kailan kaya tayo makakahanap ng condo
makaka-jackpot sa lotto
makakalipat sa palasyo na

SOBRANG GANDA? IKAW REYNA!
SOBRANG GANDA? IKAW REYNA!
Track Name: Houdini
tanong ko lang kung over ba ako
kung magpaalam sa iyo? ngayon sa’yo?
maarte ba ako kung aalis ng alas diyes
mula sa bahay n’yo?

sana patawarin…hindi sinasadya ito
biglang tinawag lang…ng boss sa trabaho

tanong ko lang ma-mi-miss ba ako
pag nag-uwian na’ng tao? mga tao?
maglalasing ka ba, ibabato’ng bigla baso
dun sa litrato ko?

huwag mong patawanin…hindi natutuwa sa’yo
baka nga burnout na…ako sa trabaho

AKO!
AKO!
AKOOO!

ngayong alam mo nang ako ay ganito
magagawa mo bang ibigin pa ako?
ngayong alam mo nang sira itong ulo
magagawa mo bang intindihin ako?
ngayong alam mo nang ako’y sadyang gan’to
magagawa mo bang ibigin ng todo?
ngayong alam mo nang laki nitong toyo
tanggap mo ba ako?

AKO!
AKO!
AKOOO!

PARA SA’YO!
PARA SA’YO!
PARA SA’YOOO!

KANTANG ITO!
KANTANG ITO!
SA’YO.
Track Name: Pasingit
pupuwede ba?
pupuwede baaang?
sumingit sa?
gitna ng kalsada?

lala lala lala lala lala lala la
lala lala lala lala lala lala la

pupuwede ba?
pupuwede baaang?
humirit sa?
iyong pagparada?

lala lala lala lala lala lala la
lala lala lala lala lala lala la

PASINGIT!
PASINGITIN MO NA AKO
PASINGITIN MO NA SA'YO
PASINGITIN MO NA AKO SA PUSO MO

LALAPIT
O IIPITIN BA NITO?
PAIINITIN LANG ULO?
AT IIPITIN SA DULO NG PUSO MO?

PASINGIT!
PASINGITIN MO NA AKO
PASINGITIN MO NA SA'YO
PASINGITIN MO NA AKO SA PUSO MO

LALAPIT
AT IIBIGIN NG TODO
AT IIBIGIN NG TOTOO
AT IIBIGIN KANG BUO NG PUSO KO

PASINGIT!
Track Name: Impluwensya
handa na ba
ikaw na
iiwan siya?

handa na bang iiwan siya?
handang sundin magulang niya?

handa ka ba
ngayon na
bitiwan siya?

handa ka bang bitiwan siya?
at ibigay hiling nila?

SA'YO NGAYON?
SA'YO NGAYON?

kung mahal mo siya
isusugal mo ba
kinabukasan niya
sa'yong dalang--

impluwensya!
impluwensya!

kung mali sila
sa inyo, sinta
patutunayan kong may
magandang

impluwensya!
impluwensya!
impluwensya!
impluwensya!

I-INFLUENCE SIYA
I-INFLUENCE SIYA
I-INFLUENCE SIYA
I-INFLUENCE SIYA

bakit 'di maamin?
kahit 'di sa amin?
na hindi siya sa'tin?
kahit pa agawin!

e kung pumayag yun
dun sa iyong gusto?
na kanyang ibigin at

kunin ang anak mo
kahit hindi kanya ito
'yo bang kakayanin na

makita siyang lito
makita siyang hilo
sa iyong pabitin? at

makita siyang bigo
mistulang bilanggo
sa iyong pasanin?

hindi mo ba ito nakikita?
hindi mo ba ito nakikita?
hindi mo ba ito nakikita?
hindi mo ba ito nakikita?

hindi mo na ito nakikita!
hindi mo na ito nakikita!
hindi mo na ito nakikita!
hindi mo na ito nakikita!
Track Name: Ubos Na Gas
bilis lang ng kantang ito
kaya walang pag-uusapan pa
halata namang lanta ito
kaya walang pag-aawayan pa

wala ng punto itong gawang kanta
kasi napuno na'to sa 'yong banta

alam ko nang mali ito
pero wala namang magagawa
noon pa man mali na'to
pero wala namang mapagawa

wala ng pulso itong kinakanta
kasi patay na ito kahit noon pa

UBOS NA GAS
UBOS NA GAS
UBOS NA GAS
UBOS NA GAS

UBOS NA BA?
TAPOS NA BA?

O LALAYO NA MUNA
O LALAYO'T MAGPUPUNTA
KUNG SAAN WALANG SUMPA

O LALAYO NANG UNA
O LALAYO'T MAUUNA
KAYSA MAIWANAN PA

kahapon lang full tank ako
pero ngayon, ba't kalahati na?
kahapon lang in-love sa'yo
pero ngayon, bay sobrang bad trip na

tapos na'tong sulat ko
wala nang tinta
tuyong-tuyo na sa'yong
mga pangamba!

UBOS NA GAS
UBOS NA GAS
UBOS NA GAS
UBOS NA GAS

UBOS NA BA?
KAPOS NA BA?

O LALAYO NA MUNA
O LALAYO'T MAGPUPUNTA
KUNG SAAN WALA KA PA

O LALAYO NANG UNA
O LALAYO'T MAUUNA
KAYSA MAIWANAN MONG MAG-ISA
Track Name: Kailan Pa?
kailan pa nakarating sa mindanao?
nabigay mo ba kay lot, kanyang hikaw?
naiikot mo ba siya sa gaisano?
naiikot mo ba siya kahit p'ano?

ba't balita ko, hindi ka tumuloy?
ang balita ko, lahat lang 'to ay ploy
d'un pala sa batasan ang 'yong punta
d'un pala magkikita ng 'yong sinta

SANA SINABI MO NA LANG
SA'KING DOON SA BULACAN
DOON IKAW MAGPAPALIPAS NG BAGONG TAON
PARA HINDI NA UMASANG IKA'Y NATULUNGAN

MAKITA ANG ANAK MONG NAIWAN
MAKITA ANG ANAK MONG NAIWAN

kailan pa kayo kumuha ng kuwarto?
magkasama ba doon linggo-linggo?
gumagana ba kalang ninakaw mo?
'di na ba hinahanap ni nieva 'to?

ba't ang sabi mo sa'kin, tinapos mo?
relasyon mo sa kanya, ginapos mo
pinabago mo pa nga, ang sim card mo
para 'di sita tumawag sa celphone mo

SANA INAMIN MO NA LANG
SA'KING MAHAL MO PA RIN 'YAN
AT DI MO KAYANG IWANAN
KAHIT GUSTO

PERO MAIINTINDIHAN
KUNG BAKIT NAGAWANG
LOKOHIN NG LUBOS AKO, HIRANG
LOKOHIN NG LUBOS AKO, HIRANG
Track Name: Maiintindihan
janice, kumusta na ikaw ngayon?
wais na ba't handang makabangon?
nakita mo na ba lalaking hanap--pinapangarap
mo!
mo!
mo!
mo.

iris, kumusta na iyong anak?
nais mo pa rin bang ipa-adopt?
nakita mo na ba tatay na hanap--pinapangarap
mo?
mo?
mo?
mo?

HINDI MO BA NAIINTINDIHAN ITO?
HINDI MO BA NAIINTINDIHAN ITO?
Track Name: Mapagsamantala
ano pa ba?
ano pa ba?
ang dapat kong gawin
para 'yong pansinin?

ano pa ba?
ano pa ba?
ang dapat kong sabihin

sa'yo
sa'yo
para ibigin mo

sa'yo
sa'yo
para purihin mo

ano pa ba?
ano pa ba?
ang dapat kong gawin
para yong pansinin?

ano pa ba?
ano pa ba?
ang dapat kong sabihin

sa'yo
sa'yo
para ibigin mo

sa'yo
sa'yo
para piliiin mo

o sayang
o sayang
lang ang pangako mo

o sayang
bakit mo sinayang?
bakit dinedma mo?

o sayang
o sayang
lang ang pag-ibig ko

o sayang
ako'y naghihinayang
kasi dinedma mo!

naaalala mo pa ba
dun sa may puno ng mangga?
inukit mo pangalan ko't pangalan mo
sa pusong iisa

naaalala mo pa ba
dun sa may puno ng mangga?
pangako mo na trabaho dun sa abroad
ay pansamantala?

naaalala mo pa bang
na 'sang taon ka lang sa saudi arabia?

MAPAGSAMANTALA
MAPAGSAMANTALA
MAPAGSAMANTALA
MAPAGSAMANTALA

ayoko na
ayoko na
ayoko na
ayoko na

MASAMANTALA
MASAMANTALA
MASAMANTALA
MASAMANTALA
Track Name: Hindi Ko Na Kaya
'di ko na
maisip kung p'ano ba ako maka
katakas rito!

'di ko na
maisip kung paano ba ako magbabalik
sa probinsya ko

HINDI KO NA KAYAAA!
HINDI KO NA KAYAAA!

'di ko pa maisip kung paano
ko bubuhayin itong pamilya
kung gusto kong magpunta dun sa probinsya
kahit na trabaho ko ay sa maynila...alila!

HINDI KO NA KAYAAA!
HINDI KO NA KAYAAA!
HINDI KO NA KAYAAA!
HINDI KO NA KAYAAA!

'DI KO NA
'DI KO NA
'DI KO NA
'DI KO NA

DITO BA?
DITO BA?
DITO BA?
DITO BA?
Track Name: Nag-iisip
alam ko na nag-iisip ka
kung p'ano na ang gagawin mo
hindi alam kung tama o mali ito
woooh

minsan parang nahuhulog dun sa bangin
wala mang sasalo kundi ang pag-aming
tao, tao lamang tayo
woooh

idasal sa langit
ang hindi mo kaya
sa kanya'y lumapit
nang makalaya!

WOOOOH!
WOOOOH!
WOOOOH!
WOOOOH!

kung puwede lang ay ambunan
kung puwede lang sana'y pagbigyan
kung puwede lang ay haluan
ano puso ng katalinuhan!

katalinuhan kung ano kailangan
katalinuhan para malaman
kung ano na nga ba dapat
kung ano na nga ba ang sapat
kung ano nga ba ang dapat--
sa diskarte mo!

hindi na kaya ng ating talino!
hindi na kaya ng ating talino!
hindi na kaya! hindi na kaya!
kaya kailangang magtiwala tayo

WOOOOOH!
WOOOOOH!
WOOOOOH!
WOOOOOH!
Track Name: 'Di Magsasawa
lagi ka mang naiinis sa--aking mukha
lagi mo mang tinitiris na--parang lisa
alam ko, alam kooong…natutuwa!
pa rin ang ‘yong puso sa…akin, sinta!

para mo mang winawalis ang--ating pera
sa t’wing ika’y namimili pa--rang may giyera
alam ko, alam kooong…mahalaga!
pa rin sa‘yong pusooo…tayong dal’wa!

minsan napipikon na rin ako sa’yooo
kapag naiipon init sa’king ulooo!

AYOKONG, BITIWAN!
DATING PANGAKO MO D’UN--

SA LUMANG, SIMBAHAN!
DI BA SINABI SA’KING --

HINDI MO, IIWAN!
KAHIT KUMUPAS PA ANG--

ANGKING KA, GUWAPUHAN!
‘DI KA MAGBABAGO--

laway ko ma’y napapanis pag--kasama ka
singit ko ma’y nagpapawis pag--masungit na
alam ko, alam kooong…naaawa!
pa rin ang ‘yong puso sa…akin, sinta!

lagi mo mang nililihis ang--ating ruta
dinadaan dun sa libis pa--ra mawala
alam ko, alam kong nag…aalala!
pa rin ang ‘yong puso kung…s’an papunta!

minsan nagtatanong kung bakit ba gan’tooo?
minsan nag-iisip, kung kaya…ko…pa ’tooo?

AYOKONG, BITIWAN!
ATING PANGAKO D’UN SA--

MAY LUMANG SIMBAHAN!
‘DI BA SINABI NATING--

WALANG MANG, IIWAN?
MALASIN MAN TAYO, AT--

HINDI NA, YUMAMAN!
HINDI MAGBABAGOOO

AYOKONG, BITIWAN!
ATING PANGAKO D’UN SA--

MAY LUMANG SIMBAHAN!
DI BA SINABI NATING--

WALANG MANG, IIWAN?
MAGKASAKIT MAN TAYO’T--

MALUNOD SA UTANG!
HINDI MAGBABAGO…

PAG-IBIG MO!
PAG-IBIG KOOO!
PAG-IBIG MO!
PAG-IBIG NATING ‘TO!

PAG-IBIG MO!
PAG-IBIG KOOO!
PAG-IBIG MO!
IBIGIN NATING TUTUOOOOO.