Complex Disorders Of Adult Life Vol. II

by Dystocia Curve

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $7 USD  or more

     

1.
04:05
2.
03:26
3.
06:21
4.
04:56
5.
03:49
6.
7.
03:54
8.
05:48
9.
10.
11.
03:43
12.
07:31

credits

released February 14, 2011

Written and performed by Dystocia Curve.
Recorded at Sound Creation, Pink Noise, Tracks, & Bilistudio.
Mixed and mastered at Tracks Studio.

tags

license

all rights reserved

about

Dystocia Curve Manila, Philippines

“Manila, Manila/simply no place like Manila.” —Hotdogs. For Filipinos, the song “Manila” was a “love song,” an ode not only to a city, but to a whole country. As a person who has lived in Manila all his life, Bong Banal admits that his great love for Manila is now deeply challenged by what he thinks is a deterioration in its quality of life. His band’s album, “Metro Love,” tries to explore this. ... more

contact / help

Contact Dystocia Curve

Streaming and
Download help

Track Name: Amnesia
tambay sa bahay ni juan
ang buhay patay na naman

na naman, na naman
ang tagal-tagal, ba't ang bagal ng buwan?
binawalan ba ng sun?

inaway, dinamay na lang
ang tatay na nanay ni juan

ewan, ewan
pakisulat, paki-ulat na lang
alamat nitong si juan

EWAN
EWAN
EWAN
EWAN

EWAN
EWAN
EWAN
EWAN

LALALA LALA LALALA
LALALA LALA LALALA
Track Name: Blanko
lumayo ka muna sandali
hanapin muna ang sarili
alamin lahat ng detalye
at baka kasi magkamali

(1, 2, 3, 4)
ang utak ko ay blanko
ang plano ko may talo
ito ba talaga ang gusto?
dito ba talaga ang puwesto?

pakiramdam, hindi puno
kaalaman, hindi husto
tapos nga sa kolehiyo
pero 'di pa rin preparado

OOWOOOH!
OOWOOOH!
OOWOOOH!
OOWOOOH!

ang plano ko may talo
bagay ba'ko sa trabaho?
binibigay ko ba serbisyo?
o nilalagay ko lang, perwisyo?

mga paa, tumatakbo
hinahabol 'tong quota ko
tumataya sa'king ulo
walang tiwala sa'king puso
Track Name: Recto
aalis ka na
mami-miss kita
kahit ganyan ka
mami-miss kita

ako, kailan kaya?
magiging malaya?
mula sa hawla kong ito
may eskapo ba'ko?

alam na diyos sa'kin may plano
hinahanda niya lang siguro
sobrang ganda, kaya medyo naatraso

ako kasi, mayron ding plano
makalipad sa eroplanong
magsasakay sa'kin doon sa malayong mundo

patawarin sa atraso
patawarin mo na ako
'lam kong 'lam mong may toyo lang ako

ITAGO MO ANG CELPHONE MO
BAKA MAY KUMUHA NITO
WHO KNOWS BAKA MINSAN MAPULOT KO?

OOWOHOOO...OOWOH
OOWOHOOO...OOWOH
WOHO...WOH OOWOH OOWOH OOWOHOOWOOOH

mga alaala
kaya mawawala?
sa pag-agos ng panahon
maaalon?

kaya kinakanta
nang 'yong madama
pasasalamat ko sa'yong
taos-puso, carlo

'lam kong tagal mo nang pinlano
'lam kong tagal mo nang gusto
'lam kong magiging star ka rin sa bago mong mundo

kapag puso mo ay natutukso
hayaang diyos sa'yo magbago
hayaang siya ang mag-direct sa'yong kuwento, carlo

salamat sa mga kuwento
pati sa pang-he-heckle mo
'lam kong lambing mo lang lahat ito

KASI IKAW, TAGA-RECTO
KAYA SURNAME AY DIRECTO
KAYA NGAYON, ASTIG NANG DIRECTOR

OOWOHOOO...OOWOH
OOWOHOOO...OOWOH
WOHO...WOH OOWOH OOWOH OOWOHOOWOOOH
Track Name: Lawalawala
palibhasa
dalubhasa
itong dalaga
magpaasa

tuloy binata
hindi nabasa
na ang baraha niya pala'y
walang pag-asa

inday!
ba't 'di mo binigay
sa'kin ang 'yong kamay?
aray!

inday!
handa nang i-alay
sa'yo pati buhay
inday!

LAWALAWALA
ANG DIYOS NA LANG ANG BAHALA SA'YO
AKO, BALEWALA
KAYA NGAYON MAGWAWALA

LAWALAWALA
ANG DIYOS NA LANG ANG BAHALA SA'YO
AKO, BALEWALA
ANO NGAYON, KUNG MAWALA?

palibhasa
sobrang nahasa
'tong si dalaga
sa pagnanasa

kaya binata
ay binalasa
pianbugbog sa may tulay
at ginahasa

aray!
daig ko pang patay
wala mang karamay
aray!

inday!
daig pa ang gulay
buhay walang kulay
inday!

LAWALAWALA
ANG DIYOS NA LANG ANG BAHALA SA'YO
AKO, BALEWALA
KAYA NGAYON MAGWAWALA

LAWALAWALA
ANG DIYOS NA LANG ANG BAHALA SA'YO
AKO, BALEWALA
ANO NGAYON, KUNG MAWALA?

WAAAH!
WAAAH!
WAAAH!
WAAAH!
Track Name: Hoy!
hoy!
hoy!
hoy!
baboy!

hoy iyo! iyo ito! ito iyo! iyo ito!
hoy! baboy!

huwag...huwag mang-hinayang sa
mawawalang pera...pag nag-resign

may...plano sa'yo, ama
sobra nitong ganda...siya'ng nag-design

siya...siya lang ang gagawa
sa'yo ng himala...ito ang sign

OOOOOH!
BUKSAN MO LANG SA DIYOS
ANG 'YONG PUSO!

OOOOOH!
MAWAWALA NERBIYOS
PATI TRANGKASO!

OOOOOH!
KANYANG MAAAYOS
SIRA MONG ULO!

OOOOOH!
SIYA LANG ANG UUBOS
SA'YONG DEMONYO!

hoy!
hoy!
hoy!
baboy!

hoy iyo! iyo ito! ito iyo! iyo ito!
hoy! baboy!

huwag...huwag kang padadala
sa tawag ng bulsa...'yong i-decline

siya...siya lang ang gagawa
sa'yo ng himala...ito ang sign

OOOOOH!
BUKSAN MO LANG SA DIYOS
ANG 'YONG PUSO!

OOOOOH!
MAWAWALA NERBIYOS
PATI ATRASO!

OOOOOH!
SUNDAN MO LANG UTOS
HINDI MAN USO!

OOOOOH!
BIYAYA'Y AAGOS
SA'YONG BASO!
Track Name: Duktora Dakila
sana ako ang magmasahe sa iyong likod ngayong gabi (ngayong gabi)
sana bigyan ng pamasahe ako na'yong lingkod ngayong gabi (ngayong gabi)

dakilang duktora
dakilang duktora ba'tong si mads?
batong si mads?

daming inopera
daming itinira doon sa ward
itong si mads

oh, mads...nag-iisip
na babalik na siya
doon sa tatay niya
doon sa probinsya

naiinip
nasisilip na niya
na sinasayang lang
ni bong ang oras niya

ang gusto lang sabihin sa'yo
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon ito, ito, ito

ang gusto lang sabihin sa'yo
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon ay

ANG BAIT MO!
WOOOOOH
WOOOOOH
WOOOOOH

ANG BAIT MO!
WOOOOOH
WOOOOOH
WOOOOOH

SANA KUNIN KA NA NI LORD

sana ako ang magmasahe sa iyong likod ngayong gabi (ngayong gabi)
sana bigyan ng pamasahe ako na'yong lingkod ngayong gabi (ngayong gabi)

pilit binubura
pilit binabara nitong si mads
nitong si mads

mga alaala
daig soap opera na pang-award
na pang-award

oh, mads...nagsisikip
nagtatakip kasi
kanyang sakit kasi
hindi niya pa kaya

naiidlip
pinipikit kasi
pinipilit kasing
limutin problema

ang gusto lang sabihin sa'yo
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon ito, ito, ito

ang gusto lang sabihin sa'yo
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon
ang gusto lang sabihin sa'yo ngayon ay

ANG BAIT MO!
WOOOOOH
WOOOOOH
WOOOOOH

ANG BAIT MO!
WOOOOOH
WOOOOOH
WOOOOOH

SANA KUNIN KA NA NI LORD.
Track Name: Unsent
busy ang 'yong linya ang hirap mong ma-reach
at pinapraktis aking linya na mahirap i-teach

dinadaan kay xzenia sinubukang i-reach
pero hindi kayang buksan kasi sira raw ang switch

BAKA SAKALING MAPANSIN MO NA RIN
SA SINULAT KONG 'TO

BAKA SAKALING SUWERTEHIN, SAGUTIN
SA TELEPONONG BAGO

subukang idasal at kay san pedro mag-speech
kapalaran isugal pa at mangahas mag-pitch

i-send sa'yo bukas ke ika'y out of reach
ipadala sa mga dolphins na papunta sa beach!

BAKA SAKALING DUMATING, AWITIN
'TONG SINULAT SA'YO

BAKA SAKALING GUMALING, GAMUTIN
'TONG NAGDURUGONG PUSO
Track Name: Hilom
may sugat ang akin puso
dinudugo, natutuyo, uhaw sa'yo

bigat nito, parang bato
kahit gusto nang lumayo, sa'yo pa rin ay bilanggo!

bunutin mo!
bago ako matetano

sa pangakong
pinako mo sa'king pusong maging tapat sa'yo!

kasi ngayon sumusuko

BUNUTIN MO
SA'KING PUSO
NAKAPAKONG
PANGAKO MO SA'KIN

NOONG
NAGING TAYO
NA'KO'Y GUSTO
LAGI TAYONG MAGKASUYO!

may peklat ang aking puso
galing pa'to sa'king tampo noon sa'yo

mulat na'to, beterano
'di na bobo, better na'ko, tanggap na 'di mo ko gusto!

tahiin mo!
ang sugat ko, isarado

suko na'ko!
sige, ikaw nang panalo dito sa'ting laro

inaamin aking pagkatalo

TAHIIN MO
ISARADO
SUGAT NA'TO
IKAW NA'NG PANALO

RITO
SA'TING LARO
NA SERYOSO
LAGING TAYO MAGKATALO!

WALA NA!
MGA MATANG ITO, MULAT SA'YO!

DALA NA!
SINAGASAAN MAN ITONG PUSO

KAHIT P'ANO
BUO PA'KO.
Track Name: Wedding Of The Year
kung wala ka
kung wala ka
kung wala ka na ring gana sa tadhana

kung dala na
tulala na
kung dala na't tulala na sa bintana

kung wala ka!
kung wala kang makasama!
kung wala kang makasama sa'yong kama mamaya!

kung basa na!
kung basa na sa pagluha!
kung basa na sa pagluha ang 'yong kamang amoy-luma!

tumawag lang
tumawag lang
tumawag lang sa'kin ka'y aking hahagkan

tumawa lang
tumawa lang
tumawa lang hanggang lungkot mo'y dumaan!

AND I WILL BRING YOU FLOWERS
WILL BRING YOU FLOWERS
EVERY HOUR 'TIL FOREVER

AND I WILL BRING YOU FLOWERS
I'LL GIVE YOU ALL MY POWERS
I'LL GIVE YOU ALL THE LOVE YOU NEED, BELIEVE

DON'T LEAVE ME NOW!
PLEASE DON'T LEAVE ME NOW!
OH PLEASE DON'T LEAVE ME
LYING IN THIS BED THAT STRETCHES DOWN!

OH LET ME SHOW YOU NOW!
AND LET ME SHOW YOU HOW!
OH LET ME SHOW
HOW MUCH I'VE GROWN, HOW MUCH I KNOW YOU NOW!

alam mo ba nung 'sang gabi?
nagmumukmok sa 'sang tabi?
naiinis, ang damot mo kasi

gusto ko pa na tumugtog
ang gusto mo ay matulog
kaya hindi pumayag nung gabi

habang ikaw ay humihilik
daig mo pa'ng isang biik
walang imik akong humihikbi

nagtatampo, nalulumpo
ang puso ko, na-turumpo
pinapaikot-ikot lang ako!

HINDI KO MAKITA
ANG ATING PAG-ASA
MASYADONG MALAYO ITO!

HINDI KO MABASA
ANG ATING BARAHA
MASYADONG MALABO ITO!

HINDI MATAMA
'TONG AKING DRAMA
PROBLEMA, HINUHULMA AKO!

HINDI MO MAKITA
IKAW LANG ANG PAG-ASA
NG PUSO, NG EGO KONG ITO!
Track Name: Wala Na, Pero
wala na'kong maisip na tugtog!
wala na'kong masilip sa tuktok!
subukang umidlip at matulog!
sa kama ko na lang magmumukmok!

pero kung aking maririnig
ang pag-ibig sa iyong tinig
baka may pag-asa

at kung langit ipaglalapit
ang ating pusong malulupit
baka ikaw na nga

NAKATADHANANG MAKASAMA
SA MAY DAMBANA NG PAG-IBIG
AT SA TUWI-TUWINA, 'DI MAGSASAWA
SA'KING PAGTANDA, INIIBIG!

laki ng bukol ko d'un sa untog!
pati ang utol ko ay nasuntok!
kasi ang bopol d'un ay nanutok!
kaya hinabol kami ng bugbog!

pero kung labi idadampi
sa puso kong napakahapdi
baka may pay-asa

at kung 'di pa rin 'pagpapalit
ang ating mga lumang galit
baka hindi pala

NAKATADHANANG MAGKASAMA
SA MAY DAMBANA NG PAG-IBIG
KAHIT MAY'RON PANG MAGING ASAWA
SA'KING PAGTANDA, IKAW ANG INIIBIG!
Track Name: OK Lang Ba?
nandito lang ako
nakatambay sa may kanto
hinihintay kita
hinihintay kita kaya

tumawag sa inyo
pero sagot ng yaya mo
kasama mo raw si dave
kasama mo raw sa date

OK LANG BA?
KUNG LOVE PA RIN KITA?

OK LANG BA?
KUNG MAHALIN KITA?

OK LANG?

saan nagbulakbol?
sa mall ba o sa basketball?
ano kaya ang nilaro?
ano kaya ang nilaro? mag-ingat!

alam mo ba 'tong si anne?
nag-amok na naman kanina
niloko raw siya ni dave
inindiyan raw siya today!

OK LANG BA?
KUNG SUNDOIN KITA?

OK LANG BA?
NA SAWAYIN KITA?

OK LANG?

sakay sa pantranco
tangay ako ng billboard mo
bait ng 'yong mukha
pait lang ba ang dala? sa puso

kong lumiliko?
'tong selos ko, ba't 'di mahinto?
nabola ka kaya ni dave?
nabola kang mag-all-the-way?!

OK LANG BA?
KUNG ANGKININ KITA?

OK LANG BA?
KUNG ALIPIN KA?! AT KIDNAPIN

KITA OOWOH OOWOH?!
KITA OOWOH OOWOH?!
KITA OOWOH OOWOH?!
KITA OOWOH OOWOH.
Track Name: Buhos
umuulan
walang masilungan
wala ring sasakyang dumadaan

bumabaha
'tong mga luha
naaalala ang 'yong mukha

HUWAG KA SANANG MALUNGKOT
HUWAG DING MATAKOT
ARAW AY SUSULPOT

KUNG IKAW MAN AY SAWI
LANGIT BABAWI
ULAP AY NGINGITI

pumapatak
lungkot sa'king utak
ako, hinahatak
sa'yong yakap

nililipad
sa'yo napapadpad
hinahalintulad
ka sa lahat

HUWAG KA SANANG MALUNGKOT
HUWAG DING MATAKOT
ARAW AY SUSULPOT

KUNG IKAW MAN AY SAWI
LANGIT BABAWI
ULAP AY NGINGITI

salamat at nandiyan ka
minumulat aking mata
kahit pinipilit
kong iba ang makita

pero alam mong
puso ko'y ganito
sugat, tinutuyo
sa pagluha't pagtatampo

HUWAG KA SANANG MALUNGKOT
HUWAG DING MATAKOT
ARAW AY SUSULPOT

KUNG IKAW MAN AY SAWI
LANGIT BABAWI
ULAP AY NGINGITI

HUWAG KANG MALUNGKOT
KASI MAYA-MAYA
ANG ARAW SUSULPOT

KUNG IKA'Y SAWI
REGALO NG ULAN SA'YO
BAHAG-HARI.