Complex Disorders Of Adult Life Vol. I

by Dystocia Curve

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.

      $7 USD  or more

     

1.
03:39
2.
03:37
3.
04:31
4.
5.
04:11
6.
7.
02:54
8.
04:06
9.
04:54
10.
11.
04:22
12.
11:36

credits

released February 14, 2011

Written and performed by Dystocia Curve.
Recorded at Sound Creation, Pink Noise, Tracks, & Bilistudio.
Mixed and mastered at Tracks Studio.

tags

license

all rights reserved

about

Dystocia Curve Manila, Philippines

“Manila, Manila/simply no place like Manila.” —Hotdogs. For Filipinos, the song “Manila” was a “love song,” an ode not only to a city, but to a whole country. As a person who has lived in Manila all his life, Bong Banal admits that his great love for Manila is now deeply challenged by what he thinks is a deterioration in its quality of life. His band’s album, “Metro Love,” tries to explore this. ... more

contact / help

Contact Dystocia Curve

Streaming and
Download help

Track Name: Ram
o ram
pahiram naman
pahiram naman
ng kahit konti lang

ewan
ewan ko ba kailan
basta ito'y kailangan
pambayad ng utang

sino...ang hahadlang?
ang hahadlang rito sa aking brilliant plan?

meron...bang hahadlang?
wala man lang ba ni isa na hahadlang?

O RAM
O RAM
O RAM ALAM SA'YO AY NAGKULANG

O RAM
O RAM
O RAM ALAM MARAMI NG UTANG
Track Name: Dito
nakatabi
ating kotse
sa may kalye
alas dose

magkatabi
ating labi
hatinggabi
ating gabi!

ikaw
ako
dito
magkasuyo

tunaw
ako
sa'yong bango

...ATING PUSO
...MULING BUO
...IKAW AKO
...MAGKASUYO

'tong daliri
may diskarte
hinahawi
ang 'yong arte

'yong kiliti
hinuhuli
ang 'yong ngiti
inuuwi

ako
dito
sa'yong puso

tunaw
ako
sa'yong bango

...ATING PUSO
...MULING BUO
...IKAW AKO
...MAGKASUYO
Track Name: Kotse
buhay ko parang kotse
ang pasahero ko, babae
ang bahay ko naman, garahe
sa estrangherong katabi

puso ko, parang taxi
ikaw any driver at nagmamay-ari
kapos lagi sa'yo, aking boundary
ubos pati aking panukli
ubos pati aking panukli

LUBAK...LUBAK-LUBAK ANG KALYE
BITAK...BITAK-BITAK PALAGI
PATAK...PUMAPATAK ANG PAGKAKAMALI

PAGOD NA SA PANLILIGAW
NAG-IISIP NANG BUMITAW
PAG-IBIG BA SA'KIN UMAAYAW?

biyahe ko sa gabi
tinatahi kahit parañaque
makasundo lang ako ng babae
kahit saan puwede akong gumarahe, baby

hirap mag-maneobre
wala palang u-turn sa'yong kalye
ang layo mo pala kay bayani
parang gusto ko na tuloy umuwi
baka kasi saan pa'to mauwi

LUBAK...LUBAK-LUBAK ANG KALYE
BITAK...BITAK-BITAK PALAGI
PATAK...PUMAPATAK ANG PAGKAKAMALI

LAGI NA LANG NALILIGAW
NAG-IISIP NANG BUMITAW
ARAW KAYA SA'KIN AY LILITAW?
Track Name: Create Or Collect
sana pakinggan mo
itong kanta, naging tula
sana makita mo
itong mata, lumuluha

creator sa advertising
kahit p'ano, may narrating
first one-man show ko sa painting
bakit hindi ka dumating?!

creator ba'ko ng something?
ng love and lies and everything?
aamining lahat, nothing
kapag ikaw, wala pa rin!

'di ko na mababago
pag-ibig ko sa'yo
tagal na'tong gan'to

o sa'yo lang 'tong puso
ikaw kanyang gusto
sa'yo natutukso, sa'yo lang seryoso

MAY PAG-ASA PA KAYA AKO SA'YO?
O BAKA KATHA LANG 'TO NG PUSO'T ISIP KO?
AT HINDI TOTOONG NAGING TAYO?
Track Name: Biyahe
bumabiyahe
nagsisimbang gabi
sa'yong kalye
itong kotse

hinuhuli
ang 'yong kiliti
bakasakaling
ka'y ma-i-uwi

YEAH
YEAH
YEAH
YEAH

madadale
ba kitang parang dati?
ating sandali
mauulit?

sumisimple
para libre
parang buwitre
kung makangiti

YEAH
YEAH
YEAH
YEAH

pagarahe
na ako sa'yong pisngi
biglang labi
ko napipi

nadiyadiyahe
'di masabi
'di maamin
sa iyong mali

YEAH
YEAH
YEAH
YEAH
Track Name: Sisikat Rin Ikaw
ikakalat ba sa youtube?
d'un i-di-distribute?
'tong mga kantang pa-cute?

buhay
hindi maghihintay
sa'yo habang buhay
kailangang mag-sanay

inday
huwag ka nang many-away
ako ang karamay
ako na'yong parang atsay handang 'pakamatay!

SISIKAT RIN IKAW
SISIKAT BALANG ARAW
SISIKAT RIN--BASTA SUOT MO LANG LAGING DILAW

MAG-SIKAP LANG IKAW
MAG-SIKAP ARAW-ARAW
MAKUKUHA MO RIN--ANG 'YONG HILING AY PARATING

ako ngayon, nag-iisa
wala man lang kasama
pinipilit na kumanta
wala namang naaawa

ako ngayon, tumutula
wala namang natutuwa
pinipilit na kumanta
wala namang naaawa

huwag kang tumulad sa'kin!
huwag kang tumulad sa'kin!
huwag kang tumulad sa'kin!
huwag kang tumulad sa'kin!

SISIKAT RIN IKAW
SISIKAT BALANG ARAW
SISIKAT RIN--BASTA SUOT MO LANG LAGING DILAW

MAG-SIKAP LANG IKAW
MAG-SIKAP ARAW-ARAW
MAKUKUHA MO RIN--ANG 'YONG HILING AY PARATING
Track Name: Kambyo
nalulungkot ako sa boyfriend ko
kasi wala pa siyang plano
ilang taon na rin kami na mag-boyfriend
ba't di pa rin sigurado?

na-realize niya ba na parang ayaw niya
pang pakasal sa'kin ngayon?
hindi ba siya handa, ayaw pang tumanda
ano kaya kanyang rason?

60 takbo sa marcos highway
40 lakas nitong radyo
galing naman mag-spin ng dj
napasayaw tuloy ako

kinimkim ko na lang ang feelings ko
until nung nag-usap kami
asar pa siyang 'di ko na-i-record
tonong naisip kagabi

nag-selfish mode na'ko kasi naisip kong
balewala sakripisyo
naging bulag ako, hindi siya nagbago
kaya lalayas na ako!

lumilipad sa marcos highway
binibingi nitong radyo
galit naman mag-spin ang dj
napasigaw tuloy ako!

lungkot ko ay biglaang kumambyo
biglaang pumreno
biglaang naglaho

sinayaw nga ba ako nitong radyo
sinuyo ang puso
sa kanyang gusto?
Track Name: Flyover
quezon av
i'm in love
swept away
in her highway

it's ok
it's ok
it's all ok

it's ok
it's ok
it's all ok

let me down
she's in town
drive away
in her driveway

drive away
drive away
drive all the way

drive away
drive away
drive all the way

FLY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!

FLY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!

FLY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!
FLY AWAY!
Track Name: Buhay Metro
nakalutang na lang
naka-tunganga lang
habang nag-aabang
ng m'sasakyan

lumalayo naman
sa aking katawan
ang puso kong parang wala
man lang laman
s'an hahakbang?

kumita na naman ako ng ilang libo
makakasali na ulit sa larong ito
sino kaya sa'tin ang mauunang
s/umayaw, ikaw kaya o ako?

ikaw kaya o ako?
ikaw kaya o ako?
ikaw kaya?

napuri na naman ako sa aking trabaho
pakiramdam ngayon parang ang tali-talino
alam kong masaya ito--pero ba't damdamin ko?
'di ko mapigil na parang gusto kong umiyak!

parang gusto kong umiyak!
parang gusto kong umiyak!
parang gusto kong umiyak!
parang gusto ko!

NAKIKIPAGSIKSIKAN SA ILANG LIBONG TAO
NAKIKIPAGSIKSIKAN SA ILANG LIBONG TAO
NAKIKIPAGSIKSIKAN--O MAKAUWI LANG SA'YO!

NAKIKIPAG-GITGITAN SA ILANG LIBONG TAO
NAKIKIPAG-GITGITAN SA ILANG LIBONG TAO
NAKIKIPAG-GITGITAN--MA-I-AHON KO LANG KAYO!

AYOKO NG BAGO!
AYOKONG MAGBAGO!
Track Name: Suicide Letter
aalis na ako sa lugar na'to
aalis ng mabilis ako
'di alam kung saan pa'ko patungo
basta alam ko lang hindi rito

magulo at malungkot man itong mundo
magulo't lukot-lukot man 'to
ilang beses ko na ring pinangarap 'to
ilang taon na rin ako sa'yong nakapako

GUSTO NA SANANG MAGISING SA'YO
SA TULOG KO NA MAHIMBING
AKO...HINDI LAGING NAKAPIRING MATA!

aalis ng mabilis diyan sa piling mo
aalis at lilihis sa'yo
'di alam kung saan pa ang biyahe ko
basta ang alam ko lang sa malayo

magulo't nabubulok man 'tong puso
napahiya at nadulas man 'to
mas mabuti pa rin na sinubukan ko
kaysa sa pagtanda nagsisising nagpaloko

WALA MAN LANG 'KONG NARATING SA'YO
SAAN ANG HAPPY ENDING NITO?
HANGGANG NGAYON NAKABITIN

SA'YO!
BITIN PA RIN SA'YO!
BITIN PA RIN SA'YO!
BITIN PA RIN SA'YO!

BITIN PA RIN SA'YO!
BITIN PA RIN SA'YO!
BITIN PA RIN SA'YO!

BITIN PA RIN
BITIN PA RIN
BITIN PA RIN
BITIN PA RIN SA'YO!

BITIN PA RIN
BITIN PA RIN
BITIN PA RIN
BITIN PA RIN SA'YO!

lito ako sa'yo
litong-lito sa'yo
lito ako sa'yo
litong-lito sa'yo

LITO! AKO! SA'YO!
LITONG! LITO! ITONG PUSO SA'YO!
Track Name: Amerikana
ilang taon na rin tayong 'di nagkita
mula nang magtapat sa'yo ay nawala
pero nung 'sang gabi mayrong naalala
kaya napatawag sa'yo, nangumusta

napahiya kasi dinedma mo ako
iniisip, umiidlip lang sa banyo
hanggang ngayon, ikaw pa rin sa'kin nayayamot
kaya di mo sinasagot, naglilibot

SA 'MERIKA
SA 'MERIKA NAGING AMERIKANA NA BA?
SA 'MERIKA
SA 'MERIKA NAGING AMERIKANA NA BA?

pag-gising ko nung next morning ay nagulat
kasi mayrong nag-text sa'kin, ikaw pala
binuksan ko how exciting, ang 'yong sulat
in digital "hu's dis?" hindi na kilala!

nanghihina, mali, hindi na'to biro!
bakit ganun? ba't tinapon ang numero?
pinamana mo na ba sa utol, telepeno
habang ikaw kumakaway sa eroplanong

PA-AMERIKA
SA 'MERIKA NAGING AMERIKANA NA BA?
SA 'MERIKA
SA 'MERIKA NAGING AMERIKANA NA BA?

SA PHILADELPHIA!
LOS ANGELES! SA CALIFORNIA
NAG-IINGLES!
SA ARIZONA
SA TENNESSEE
SOUTH CAROLINA
NAGSISISI

SA AMERIKA.
Track Name: Tulay
ba't 'di ko masakyan?
takbo nitong aking buhay--
ba't di pa rin alam?

'kaw ba'y aabutan?
ba't nadyan ka sa may tulay--
ang layo mo naman

nag-iisip
saan ba papunta itong daan?

naiinip
hanggang kailan bago makadaan?

nag-iisip
naiinip
nabwi-bwisit

O INDAY
HAWAKAN AKING KAMAY

SASABAY
MAGHIHINTAY KA BA INDAY?

mayron ka pa ba diyan?
kulang itong aking pera
walang pang-gas sa tiyan

puwede bang umutang?
maka-tawid man lang ako--
sa kabilang daan

naninikip
itong dibdib walang masabihan!

napipilit
kayanin nguni't 'di kayang takpan

O INDAY
IBIGAY IYONG KAMAY

YONG IGABAY
ITONG BUHAY...O INDAY

'kaw ba'y pupuntahan?
palaboy-laboy kung saan
mula ng iniwan

mayron pa bang par'an?
sinusundo na nga kita
nagtatago naman!

napa-praning
kantang ito, kailan pakikinggan?

napapansin
bantang ito paulit-ulit lang
napa-praning, napapansin, 'nak ng pating

O INDAY
PASAWAY! PALA-AWAY
NAGHIWALAY
ATING TULAY! BABAY INDAY!

p'ano ko susundan?
patak nitong aking luha
sabog naging ulan

baka tanging daan
sundang muli itong tulay
nang may mapuntahan

nagigising
lungkot, poot lamang uuwian
nagsisising
naging praning, dami nang sinaktan
nagigising, nagsisising, naging praning

O INDAY
SANA IKA'Y NAGBAGONG BUHAY
MAY KARAMAY
MAY KASABAY SA'YONG PAGLALAKBAY!